walang pamagat
Ano ba ang kailangan kong gawin? Nauubos ang oras ko sa tanong na yan. Ang hirap kasing sagutin eh...
Bakit hindi mo kayang maghintay? Kung totoo ang nararamdaman mo, iparamdam mo...
Hindi naman kita kakainin ng buhay eh...
Ano ba ang hinahanap mo? Sino ba ang kailangan mo? Kakatapos pa lang ng isang sem... ang dami kaagad ng tanong na kailangang sagutin...
Bakit kailangan pa nating magkita? Parang hindi mo naman ako nakilala... Nauubos ang oras ko sa pagsagot ng walang kakuwenta-kwentang tanong na hindi naman masasagot. Parang tanga ako dito... Naghihintay sa wala. Pero naghihintay ako kasi totoo ang nararamdaman ko...
Naiinis ako sa inyo. Bakit hindi na lang kayo sumunod? Pwede naman kayong umayon sa kagustuhan ko... Hindi kayo patas... Tama sigurong hindi muna ako naglalalapit sa inyo... Tatahimik na lang ako... Hindi ko muna kayo iistorbohin...
